Nagpaabot ang DSWD Eastern Visayas ng P50,000 Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa limang (5) Former Rebels (Friends Rescued) na nagbalik-loob sa Eastern Samar.
Katuwang ang 78th Infantry “Warrior” Battalion, 8ID ng Philippine Army, nagpaabot ang DSWD ng P10,000 na AICs sa bawat Friends Rescued upang tulungan sila sa kanilang reintegration sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang AICS ay isang regular na programa ng DSWD na naglalayong magbahagi ng tulong sa mga taong nahaharap sa mga mahihirap na sitwasyon, katulad ng pagka-ospital at iba pang krisis.
Nagpasalamat ang mga Friends Rescued sa kanilang natanggap na AICs. Ayon sa kanila, isa itong malaking tulong upang sila ay unti-unting makabangon at makapagsimula ng panibagong buhay.
78th Infantry “Warrior” Battalion, 8ID, Philippine Army
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD



