Katuwang ang DSWD Field Office 8, nagsagawa kamakailan ang Regional Juvenile Justice and Welfare Committee – VIII (RJJWC) ng monitoring visit sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa iilang mga penal facilities dito sa Rehiyon.
Bahagi ang Monitoring Visit na ito sa implementasyon ng Republic Act 9344, o ang Juvenile Justice and Welfare Act, na nagsasaad na ang mga menor-de-edad na nakagawa ng krimen o Children in Conflict with the Law (CICL) ay hindi dapat ibilanggo, kundi dapat mabigyan ng nababagay na community at center-based intervention at matulungan na magbago sa pamamagitan ng Restorative Justice.
Sa bisa ng batas na ito, nagsasagawa ang RJJWC ng buwanang pagbisita sa mga custodial facilities ng Philippine National Police (PNP), Regional Rehabilitation for Youth, Bahay Pag-asa at iba pang Social, Development Center for Children and Youths upang masigurado ang pagpapatupad ng RA 9344, at hiwalay ang kustodiya ng mga CICL mula sa mga adult na mga PDL.
Katuwang din ng ahensya ang iba pang partners, katulad ng PNP, Public Attorney’s Office, TESDA, Commission on Human Rights, at iba pang mga kasapi sa RJJWC Secretariat.
@RJJWC



