Kasalukuyang naka-deploy ang Mobile Command Center (MCC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII upang magsilbing sentro ng koordinasyon, komunikasyon, at real-time na pag-uulat sa mga kaganapan sa lugar na apektado ng pansamantalang limitasyon sa pagdaan sa San Juanico Bridge.

Kasabay nito, naka-activate din ang Quick Response Team (QRT) ng ahensya kung saan nakaantabay ang mga Angels in Red Vests upang agarang tumugon kung may pangangailangan.

Ang deployment ng MCC ay bahagi ng pinaigting na hakbang ng ahensya matapos itaas sa Blue Alert Status ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang sitwasyon sa apektadong lugar.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan at sa RDRRMC upang matukoy ang aktwal na bilang ng mga na-stranded at ang kanilang agarang tulong.

Ang mga hakbang na ito ay nagpapatunay na “Bawat Buhay, Mahalaga sa DSWD.”

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD