Kasabay ng pagdiriwang ng ika-123 Araw ng mga Manggagawa o 𝘓𝘢𝘣𝘰𝘳 𝘋𝘢𝘺, pinangungahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 at Department of Labor and Employment (DOLE) Region 8 ang payout para sa 1,500 benepisyaryo ng pinag-isang programang Project LAWA at BINHI at TUPAD sa Tacloban City ngayong araw, Mayo 1.
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng paunang halagang katumbas ng hindi bababa sa sampung araw ng trabaho. Aabot naman sa P8,400 ang kabuuang matatanggap nila para sa 20 araw na partisipasyon sa proyekto. Ang mga benepisyaryo ay sumailalim sa pagsasanay at nakibahagi sa mga gawaing kinabibilangan ng paggawa at rehabilitasyon ng water harvesting facilities, pagtatanim, vermicomposting, at iba pang aktibidad na nakatuon sa pagtugon sa kakulangan ng tubig at pagkain.
Ayon kay Regional Director Grace Subong, ang Project LAWA at BINHI ay isang hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa harap ng epekto ng pagbabago ng klima at kakulangan sa pagkain at tubig. Aniya, malaking inisyatiba ito na isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan. Layon ng programa na isulong ang pangmatagalang kabuhayan at katatagan ng mga benepisyaryo sa rehiyon.
#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD







