Kasalukuyang nagsasagawa ng Emergency Meeting and Planning ang DSWD Eastern Visayas matapos na itaas sa Blue Alert Status ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC). Ito ay matapos na magsagawa ng Emergency Council Meeting ang RDRRMC upang talakayin ang pagtulong sa mga naapektuhan ng paglilimita sa pagdaan sa San Juanico Bridge.
Bilang paunang pagresponde, agarang inactivate ang Quick Response Team (QRT) ng DSWD Field Office 8 na handang magsagawa ng response operations.
Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga apektadong lokal na pamahalaan at sa RDRRMC upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga na-stranded na byahero.

