Higit 200 Family Food Packs (FFPs) na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 – Eastern Visayas sa mga na-stranded na truck driver, pahinante, at iba pang biyahero na nangangailangan ng agarang tulong, batay sa pinakahuling ulat ngayong araw, alas-12 ng tanghali.

Ayon sa assessment at profiling ng ahensya, ang mga benepisyaryo ay ilang araw nang naaberya ang biyahe dulot ng ipinatupad na limitasyon sa pagtawid sa San Juanico Bridge. Karamihan sa kanila ay mula sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

Patuloy na naka-activate ang Quick Response Team (QRT) ng DSWD, habang naka-deploy naman ang Mobile Command Center (MCC) upang mapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng mga ground personnel, lokal na pamahalaan, at iba pang ahensyang katuwang sa pagtugon.

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘳𝘦𝘭𝘪𝘦𝘧 𝘢𝘶𝘨𝘮𝘦𝘯𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳, 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘬𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD