๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ โ Nakiisa ang DSWD 8 Angels in Red Vests sa pagdiriwang ng International AIDS Candlelight Memorial 2025 na ginanap kahapon, Mayo 19, 2025, sa DSWD FO 8 Grounds, Candahug, Palo, Leyte.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng isang mataimtim na panalangin at pag-aalay ng kandila bilang pagkilala at pag-alala sa mga pumanaw bunsod ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS). Inialay rin ang aktibidad para sa mga People Living with HIV (PLHIV), gayundin sa mga healthcare workers na walang sawang naglilingkod at nagkakaloob ng serbisyong medikal at pagkalinga.
Ang makabuluhang aktibidad na ito ay isang paraan upang alalahanin at itaguyod ang mas malawak na kaalaman at pag-unawa hinggil sa lumalalang isyu ng HIV at AIDS, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ito ay nakaangkla sa temang inihain ngayong taon na: โ๐ช๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ, ๐ช๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ฒ, ๐ช๐ฒ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ,โ na sumasalamin sa pagkakaisa ng komunidad sa paggunita sa mga nawala, pagtindig para sa mga nabubuhay na may HIV, at pangunguna sa pagpapalaganap ng kaalaman at malasakit.






