MAPAGKALINGANG PAG-ABOT SA REHIYON OTSO: Matagumpay na sinimulan ng Pag-abot staff ng DSWD Regional Office VIII ang Reach-Out Activity sa bawat bata, indibidwal, at pamilyang patuloy na naninirahan sa lansangan ng Tacloban City noong Abril 24-25, 2025 upang masigurong mabigyan sila ng angkop na tulong.

Katuwang ang Tacloban City Social Welfare and Development Office (CSWDO); nagpamalas ang DSWD ng walang katumbas na pagpupursige at dedikasyon upang kumbinsihin ang mga tukoy na benepisyaryong patuloy na namamalagi sa lansangan at ipaliwanag sa kanila ang oportunidad na makapag-simulang muli sa kani-kanilang buhay na malayo sa kapahamakan sa lansangan.

Ang Pag-abot Program ay naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga taong kabilang sa bulnerableng sektor ng lipunan tulad ng mga bata, indibidwal at pamilyang nasa lansangan at maging produktibong miyembro ng lipunan.

Nakasaad sa nilagdaang Executive Order No. 52 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang iba’t ibang serbisyo na maaaring ibigay ng programa sa mga tukoy nitong benepisyaryo.

Kabilang dito ang Financial Assistance (FA), Transportation Relocation Assistance (TRA), Transitory Shelter Assistance (TSA), Livelihood Assistance (LA), Employment Assistance, Psychosocial support, Capacity Building of Local Government Units and Community Assistance, at Capability Building of Communities.

Ang pagsisimula ng kauna-unahang reach-out activity na ito ay hakbang sa malawakang tugon ng DSWD sa buong rehiyon na bigyan ng epektibo at tiyak na serbisyong patahak sa pagsugpo ng kahirapan.

#DSWDPagabotProgram
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD