Masagana ang naging ani ng kangkong ng kababaihan sa Barangay Sabang, Oras, Eastern Samar sa tulong ng Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project LAWA at BINHI) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII.
Mula sa tatlong plat ng taniman, umabot sa 57 tali ng kangkong ang kanilang naani. Ayon sa isa sa mga benepisyaryo, ang bawat tali ay naibenta sa halagang P25, kaya umabot sa P1,425 ang kanilang kabuuang kita.
Ang ani ay malaking tulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilya sa komunidad. Sa tulong ng Project LAWA at BINHI, nabibigyan ng mas magandang oportunidad sa kabuhayan ang mga kababaihan, solo parents, senior citizens, at iba pang sektor sa Eastern Visayas.
#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD




