Nakibahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII sa Visayas at Mindanao Experiential Exchange Learning Visit na ginanap sa Zamboanga del Norte bilang bahagi ng Risk Resiliency Program–Climate Change Adaptation and Mitigation o RRP–CCAM. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang palitan ng kaalaman at aktwal na karanasan ng mga Field Office ng DSWD.

Ibinahagi ng bawat rehiyon ang kani-kanilang best practices, gaya ng pagbuo ng kabuhayan mula sa ani, pagsasanay sa bookkeeping para sa tamang pamamahala ng pondo, at pagsasama ng mga dating Persons Deprived of Liberty (PDLs) bilang benepisyaryo ng proyekto. Ipinakita rin ng Zamboanga del Norte ang kanilang accomplishment report sa pagpapatupad ng programa na nagsilbing daan sa makabuluhang talakayan.

“Maupay gud man an Experiential Learning Visit, damo gud nam nalearn, tas damo gihap innovations from other FOs na puwede namon masubad,” ayon kay Dya Angelica Vivero, Project Development Officer II.

(“Maganda talaga ang Experiential Learning Visit, marami kaming natutunan at maraming bagong ideya mula sa ibang Field Offices na maaari naming tularan,” ani Vivero.)

Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, mas pinalalakas ng DSWD ang ugnayan at pagtutulungan ng mga rehiyon upang mas maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#projectlawaatbinhi