Nakiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isinagawa ngayong araw, Hunyo 18.
Sabay-sabay na isinagawa ng DSWD Field Office 8, kabilang ang mga sub-field offices sa anim na probinsya sa Eastern Visayas, ang “duck, cover, and hold” bilang bahagi ng paghahanda sa lindol.
Tampok din sa malawakang drill ang aktibong partisipasyon ng Sub-Field Office–Biliran sa isang full-scale simulation exercise sa nasabing probinsya, kung saan isinagawa ang emergency response protocols tulad ng agarang pagtugon sa mga biktima, fire suppression, at law and order management.
Patuloy ang DSWD Field Office 8 sa pagpapatibay ng mga hakbang para sa kahandaan at kaligtasan ng mga empleyado at komunidad sa harap ng anumang sakuna, dahil #BawatBuhayMahalagaSaDSWD.

















