Sa patuloy na isinasagawang 20-day reading tutorials at Nanay-Tatay Sessions sa ilalim ng Tara, Basa Tutoring Program, pinapangunahan naman ng Department of Social Welfare and Development ang Weekly Stakeholders Meeting kasama ang Department of Education, mga partner state universities at local government units.
Layon ng aktibidad na ito na pag-usapan ang mga naging suliranin sa natapos na Linggo, bumuo ng mga rekomendasyon, at malatag ang agarang solusyon.
Dito sa Eastern Visayas, katuwang ng DSWD ang Northwest Samar State University, Samar State University, Leyte Normal University, Eastern Visayas State University – Main Campus and Ormoc Campus, and City College of Ormoc.
Samantala, ang DepEd naman ay nagbukas ng 132 public elementary schools para sa Tara, Basa! Sessions na gaganapin hanggang June 14, 2025 sa probinsya ng Samar, Tacloban City, at Ormoc City.
#TaraBasaPH
#BawatBuhayMahalagasaDSWD
#KabataanSaBagongPilipinas




