Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo na mailayo sa panganib ang mga kababayan nating naninirahan sa lansangan, muling nagsagawa ng reach-out activity ang DSWD Field Office VIII, sa pamamagitan ng Pag-abot Program, sa bawat bata, indibidwal, o pamilyang patuloy na naninirahan sa mga lansangan ng Tacloban City noong ika 28-30 ng Mayo 2025. Ito ay upang makapaghatid ng nararapat na tulong at serbisyo mula sa ahensya.

Katuwang ang Tacloban City Social Welfare and Development Office (CSWDO), layunin ng nasabing inisyatibo na hikayatin ang natukoy na mga benepisyaryo na makapag simulang muli sa kani-kanilang buhay na malayo sa kapahamakan sa lansangan.

Ang Pag-abot Program ay naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga taong kabilang sa bulnerableng sektor ng lipunan tulad ng mga bata, indibidwal at pamilyang nasa lansangan at maging produktibong miyembro ng lipunan.

Nakasaad sa nilagdaang Executive Order No. 52 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang iba’t ibang serbisyo na maaaring ibigay ng programa sa mga tukoy nitong benepisyaryo.

Kabilang dito ang Financial Assistance (FA), Transportation Relocation Assistance (TRA), Transitory Shelter Assistance (TSA), Livelihood Assistance (LA), Employment Assistance, Psychosocial support, Capacity Building of Local Government Units and Community Assistance, at Capability Building of Communities.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng programa sa iba’t ibang sektor upang maibigay ang nararapat na serbisyo para sa mga benepisyaryo nito.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#DSWDPagabotProgram