Tunay na masagana ang ani ng 20 benepisyaryo mula sa Barangay San Vicente sa bayan ng Anahawan, Southern Leyte sa ilalim ng Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished o Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 – Eastern Visayas.
Matapos ang 20 araw na pagsasanay at pagtatanim, nakapag-ani na sila ng kilo-kilong upo, ampalaya, at pipino. Ipinagbili ang mga ito sa lokal na pamilihan at naging dagdag-kita para sa kanilang mga pamilya.
Sa tulong ng proyekto, hindi lamang natutugunan ang kakulangan sa suplay ng pagkain at tubig, kundi napapalakas din ang kakayahan ng mga komunidad na magkaroon ng sariling mapagkakakitaan. Isa itong patunay na kapag may sapat na suporta at malasakit, uusbong ang pag-asa mula sa lupa.
#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD






