Patuloy ang pag-ani ng tagumpay ng Pundok Mag-Uruma sa Barangay 1 Poblacion, Salcedo, Eastern Samar sa ilalim ng Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII.

Mula Mayo 17 hanggang Mayo 30, 2025, apat na sunod-sunod na harvest na ang naisagawa ng asosasyon, na nagbunga ng kabuuang kita na P17,175. Kabilang sa mga naaning gulay ay 137 kilo ng pipino, 188 kilo ng mais, 29 kilo ng kalabasa, at isa’t kalahating kilo ng sitaw, na lahat ay ibinenta sa merkado upang madagdagan ang kabuhayan ng mga miyembro.

Ayon sa grupo, nagsimula ang kanilang unang anihan noong Mayo 17, sinundan ng Mayo 22, Mayo 24, at ang pinakahuli ay nitong Mayo 30. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang umaani, patunay ng matagumpay na pagpapatupad ng proyekto sa kanilang lugar.

Ang Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ay isa sa mga hakbang ng DSWD upang tugunan ang kakulangan sa tubig at pagkain sa mga komunidad sa buong bansa.

Patunay lamang ang tagumpay na na ito na kung may sapat na suporta at pagkakaisa, kayang paunlarin ang kabuhayan at buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD