Nakiisa ang DSWD Field Office 8 sa paggunita ng World Day Against Child Labor ngayong Hunyo 12, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), ang lokal na pamahalaan ng Tacloban City, at ang iba pang mga kasapi ng Regional Council Against Child Labor-Eastern Visayas (RCACL-EV).
Nagpaabot ang DSWD ng P3,000 na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 43 na child-laborers at ang kanilang mga pamilya na dumalo sa nasabing aktibidad. Sa kabuuan, nakapamahagi ang DSWD ng PHP129,000.00.
Maliban dito, namahagi din ang RCACL-EV ng school supplies, food packs, at livelihood assistance.
“Sana balang araw, wala nang bata ang kailangang magtrabaho, wala nang bata ang mai-exploit, at wala nang child labor,” sabi ni DSWD Regional Director Grace Subong sa kanyang opening speech. Patuloy na idiniin ni Director Subong ang pagtutulungan ng DSWD, RCACL-EV, at ang mga magulang upang pigilan ang child labor.
“Para sa mga dating child laborer, we believe in your right to dream, and we believe in you as the future of our country.”
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD




