BALIKAN natin ang naiabot na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kalahi-CIDSS program sa taong 2020 upang tugunan ang sosyo-ekonomikong epekto na dala ng COVID-19 sa mga mahihirap na pamayanan sa Eastern Visayas.
Mayroong 244 proyekto ang sama-samang naipatayo at natapos ng komunidad at mga lokal na pamunuan sa taong 2020. Kasama na rito ang 105 isolation o quarantine facilities, 108 disaster response & equipment tools at 31 cash-for-work schemes na napapakinabangan ng 36, 250 sambahayan.
Ngayong 2021, patuloy pa rin ang DSWD Kalahi-CIDSS na tumutulong sa lokal na pamunuan na tugunan ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng magbigay ng pondo at pagbibigay ng suporta sa pagsagawa ng mga proyekto. Nasa 136 munisipyo ang makakabenepisyo sa programa ngayong taon.
Nananatiling nakaagapay ang DSWD sa mga lokal na pamunuan upang mas mapabuti at mapaigting pa ang pagtugon sa mga pangangailangan ng pamayanan at upang makabangon sa gitna ng pandemya.
#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!