Nagsimula na ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) na ipinadala ng DSWD Eastern Visayas sa Maasin City. Nagpadala ang DSWD ng 1,036 na FFPs sa siyudad noong June 7, matapos na humingi ang Local Government Unit ng dagdag na relief items para sa kanilang isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Dante. Tinatayang nasa P563,511.48 ang halaga ng mga FFPs na ini-release ng DSWD sa Maasin. 

Sa pinakahuling tala, 955 na FFPs na ang naipamahagi ng LGU habang patuloy naman ang distribusyon ng natitirang mga FFPs.

Maliban sa mga FFPs na ito,  nagbahagi din ang DSWD ng P20,000 cash assistance para sa dalawang pamilya sa Calubian, Leyte na naapektuhan din ng bagyong Dante. Sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Officer, nakatanggap itong mga benepisaryo ng P10,000 kada pamilya. Bahagi naman ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na programa ng DSWD. 

📸 Maasin City CSWDO

#DSWDMayMalasakit