
Nag-release kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 1,500 na Family Food Packs (FFPs) para sa munisipyo ng Maripipi, Biliran bilang pagtugon sa request ng LGU. Ito ay matapos na isailalim ng lokal na pamahalaan ng Maripipi ang ilang mga barangay sa granular lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID19.
Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, limang kape, limang cereal drink, at halu-halong mga de lata, katulad ng apat na corned beef, apat na tuna flakes at dalawang sardinas.
Patuloy ang naman ang DSWD sa produksyon ng FFPs bilang paghahanda sa paparating na tag-ulan, o rainy season.
#DSWDMayMalasakit