Nakarating sa Northern Samar ang tulong na ipinadala ng DSWD Eastern Visayas para sa mga naapektuhan ng COVID19. Kamakailan, nag-release ang DSWD ng 300 na Family Food Packs (FFPs) para sa Lavezares, matapos mag-request ang Local Government Unit ng relief goods bilang dagdag na tulong sa mga naapektuhan.

Ayon sa request mula sa lokal na pamahalaan, ang mga FFP na ito ay para sa mga motorcycle drivers, bangka operators, at iba pang mga informal na mga manggagawa na naapektuhan ang kabuyahan dahil sa pansamantalang pagpapasara ng mga beach resort at mga accommodation facilities upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19. Dahil dito, naapektuhan ang pinagkakakitaan ng mga manggagawa na nakadepende sa turismo.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, limang kape, limang cereal drink, at halu-halong mga de lata, katulad ng apat na corned beef, apat na tuna flakes at dalawang sardinas. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

#DSWDMayMalasakit