
Umabot na sa P4,589,681.34 ang halaga ng naibahaging tulong ng DSWD Eastern Visayas noong Hulyo para sa mga munisipyong naapektuhan ng COVID19. Ito ay katumbas nang 8,438 na Family Food Packs (FFPs).
Kabilang dito ang 511 na ipinadala sa probinsya ng Samar, 1,361 sa Biliran, 750 sa Eastern Samar, 300 sa Northern Samar, at 516 sa Leyte. Kasama din dito ang 5,000 na ipinadala sa Region VI bilang augmentation sa relief operations ng DSWD Field Office VI.
Pinapaalala naman ng ahensya na sa mga sakuna, ang unang rumeresponde ay ang lokal na pamahalaan. Ayon ito sa Republic Act 7160 (Local Government Code). Maaring mag-request ang mga apektadong LGU ng dagdag na relief items mula sa DSWD kapag kailangan. Nagpapatuloy naman ang DSWD sa produksyon ng FFPs bilang paghahanda ngayong parating na tag-ulan.
#DSWDMayMalasakit