Nakibahagi kamakailan ang Sub-Field Offices (SFO) ng DSWD Eastern Visayas sa paggunita ng National Disaster Resilience Month na may temang “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman, at Pagtutulungan, sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”. Nagsagawa ng Coastal Cleanup Drive ang mga kawani ng DSWD SFO Biliran at Northern Samar kasama ang iba’t-ibang partner na ahensya, katulad ng Philippine National Police at iba pang miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Isa ang coastal cleanup, o ang paglilinis ng mga baybayin sa mga adbokasiyang isinusulong ng DSWD upang mabawasan ang epekto ng mga sakuna sa mga coastal areas.

Naunang nagsagawa din ng Cleanup Drive ang DSWD Eastern Visayas noong Hulyo 24 sa Tacloban City, kung saan nagsama-sama ang iba’t-ibang programa ng DSWD at mga miyembro ng NDRRMC upang malinisan ang mga barangay na malapit sa Cancabato Bay.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Jackielyn Irlandez, Virdyl Benito