Bilang bahagi ng isinagawang pagsasanay ng lokal na pamahalaan ng Capoocan, Leyte sa Camp Coordination and Camp Management, nagbahagi ang Disaster Response Management Division ng DSWD FO8 ng kaalaman tungkol sa tamang pangangasiwa ng mga evacuation centers at paghasa ng kakayahan at kahandaan ng LGU para masigurado ang kaligtasan at kapakanan ng mga nagsilikas sa oras ng sakuna.

Gamit ang karanasan at kadalubhaasan sa pamamahala ng mga bunk houses para sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda, nagsilbing tagapagsanay sina Honeylou Mora at Juel Ramos sa nasabing aktibidad na isinagawa noong Agosto 3-5.

Ayon kay Mora, “Mahalaga ang mga pagsasanay na katulad nito dahil ito ng preparedness measures ng LGU, lalo na at ang LGU ang unang responder sa mga sakuna, natural man o man-made. Dahil dito, natututo ang ating mga opisyal sa barangay, mga empleyado ng LGU at maging ang mga guro, dahil kadalasan, ang ginagamit na mga evacuation center ay ang mga paaralan. Magagamit ang training na ito lalo na kapag magkaroon ng malawakang sakuna kung saan maaring kailanganin na magtayo ng mga campsites, tent city o bunk houses.”

#DSWDMayMalasakit