“Ito na ang araw na pinakahihintay natin. Ngayon, dahil sa mga permanent na shelter na ito, di na tayo mababahala kapag magkaroon ng sakuna.”

Ito ang naging pahayag ni Arlene Catingub, Barangay Kapitan ng San Ignacio, Kananga, Leyte sa isinagawang turn-over ng 57 permanent shelter sa kanilang lugar.

Sa kabuuan, mayroong 139 na mga bahay na ipinatayo ng DSWD bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng 6.5 magnitude na lindol noong 2017. Kasama dito ang 57 sa Brgy. San Ignacio, 50 sa Masarayo at 32 sa Tongonan. Bawat unit ay nagkakahalaga nang P25,604.60.

Sa pamamagitan ng Transitional Shelter Program, aabot sa P3,856,500 ang pondong inilaan ng DSWD para sa proyektong ito, habang nagbigay naman ang LGU ng corrugated galvanized iron sheets. Dagdag dito ay nagkaroon din ng proyektong Cash For Work ang ahensya kung saan ang bawat benepisaryo na nagtrabaho upang maipatayo ang mga bahay ay binigyan ng sahod na aabot sa 2,140 pesos.

Hinihikayat naman ng DSWD ang mga benepisaryo na alaagaan at pagandahin pa ang kanilang mga unit.

#DSWDMayMalasakit