
Inactivate na ng DSWD Eastern Visayas ang Quick Response Team (QRT) nito upang mabantayan ang epekto ng bagyong Jolina. Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang DSWD at ang mga Sub-Field Offices nito sa mga lokal na pamahalaan upang makakuha ng kritikal na impormasyon ukol sa pinsalang dulot ng bagyo.
Nagpapatuloy naman ang produksyon ng DSWD ng Family Food Packs (FFP) bilang paghahanda sa bagyo. Sa pinakahuling tala, may nakaimbak na 10,277 na FFP sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, dalawang tuna flakes, dalawang sardinas, limang sachet ng kape at limang cereal drink packs.
Ipinapaalala naman ng DSWD na ang unang rumeresponde sa mga sakuna ay ang Local Government Unit. Maaring magpadala ang DSWD ng dagdag na relief items kapag mag-request ang mga lokal na pamahalaan.
#DSWDMayMalasakit
#JolinaPH
para sa karagdagang impormasyon sa bagyo, bumisita dito http://www.pagasa.dost.gov.ph/