
Kahit gaano kahirap ang daan, kakayanin ng DSWD, maihatid lamang sa mga benepisaryo ang kanilang pangangailangan.
Pinatunayan ito kamakailan ng DSWD Eastern Visayas sa isinagawang relief operations nito para sa bayan ng Tagapul-an, Samar. Gamit ang mga bangka, naitawid ng DSWD at ng Local Government Unit ang nakalaang Family Food Packs (FFPs) para sa isla.
Sa kabuuan, nakapamahagi ang DSWD at ang LGU ng 2,484 na FFPs sa 14 na barangay. Kasama dito ang 390 na FFPs sa barangay Baquiw, 121 sa Guinbarocan, 54 sa Pantalan, 88 sa Manlangit, 178 sa Mataluto, 148 sa Polangbato, 216 sa Labangbaybay, 194 sa Sugod, 160 sa San Jose, 238 sa Balocawe, 282 sa Nipa, 189 sa Luna, 126 sa San Vicente, at 90 sa Trinidad.
Patuloy naman ang DSWD sa pagresponde sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Jolina. Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD ng 16,607 na FFPs para sa 12 na LGUs.
Ipinapaalala naman ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121, ang LGU ang unang responder tuwing may sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.
#DSWDMayMalasakit