Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pagbuhos ng tulong para sa mga munisipyo sa Eastern Samar na naapektuhan ng bagyong Jolina. Matapos magsagawa ng rapid assessment ang Eastern Samar Sub-Field Office ng DSWD, nagrelease ang ahensya ng mga Family Food Packs (FFPs) para sa mga munisipyong ito.

Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD ng 8,771 FFPs sa probinsya ng Eastern Samar. Kabilang dito ang 1,700 sa Hernani, 2,500 sa Quinapondan, 2,000 sa Maydolong, 1,671 sa Salcedo, at 900 sa General Macarthur.

Maliban sa Eastern Samar, nagbahagi na rin ang DSWD ng FFPs sa iba pang mga munisipyo . Kasama dito ang 662 sa Burauen sa probinsya ng Leyte, at 2,315 sa Calbiga, 2,484 sa Tagapul-an, 1,900 sa San Sebastian, 475 sa Jiabong sa probinsya ng Samar.

May inilaan na 19,507 na FFPs ang DSWD para sa 12 na munisipyo na nagrequest ng tulong mula sa ahensya. Sa bilang na ito, 16,607 na ang nai-release ng DSWD. Patuloy naman ang ahensya sa isinasagawang operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Jolina.

Ipinapaalala naman ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121, ang LGU ang unang responder kapag may sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Joseph Dela Peña