Nagtutulungan ang mga kawani ng DSWD Eastern Visayas mula sa iba’t-ibang programa, at ang mga volunteers mula sa Philippine Coast Guard at sa Philippine National Police para sa produksyon ng dagdag na Family Food Packs (FFPs).

Sa pinakahuling tala, may nakahandang 22,311 na FFPs ang DSWD. Nakaimbak ito sa iba’t -ibang mga strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Kabilang dito ang 7,137 sa main Regional Resource Operations Section na warehouse ng ahensya, 4,200 sa Eastern Samar, 3,194 sa Northern Samar, 2,680 sa Samar, 100 sa Biliran at 5,000 sa Southern Leyte.

Naging katuwang din ng DSWD ang Office of Civil Defense, Philippine Army at ang pamunuan ng Eastern Samar State University na nagpahiram ng kanilang mga pasilidad upang magamit bilang warehouse ng mga relief items.

Pinapaalala naman ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121, ang mga Local Government Units ang unang rumeresponde sa mga sakuna. Maaaring mag-release ng FFPs at iba pang mga relief goods ang DSWD kapag mag-request ang mga nangangailangang LGU.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH