Ngayong araw, dumating nang ligtas ang 5,000 na Family Food Packs ng DSWD Eastern Visayas sa Southern Leyte.
Bahagi ito ng estratehiya ng DSWD na prepositioning, kung saan naghahanda ng relief items ang ahensya sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon, lalo na sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo.

Sa pinakahuling tala ngayong hapon ng Disyembre 16, may nakahandang 7,137 na FFPs sa Regional Resource Operations Section na warehouse, habang may naka-preposition na 4,200 FFPs sa Eastern Samar, 3,194 sa Northern Samar, 2,680 sa Samar, 100 sa Biliran at 5,000 sa Southern Leyte.

Ang mga FFPs na ito ay iiimbak sa nasabing probinsya at maaring i-release kapag mag-request ang mga Local Government Units ng augmentation mula sa DSWD.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH


📸 S. Leyte SFO