Patuloy ang paglikom ng DSWD Eastern Visayas ng kritikal na impormasyon mula sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Odette. Dahil sa kawalan ng kuryente at ng signal, nagpadala ang ahensya ng mga kawani nito mula sa Disaster Response Management Division (DRMD) at mula sa ibang mga programa upang bumisita sa mga munisipyong ito.
Sa panahon ng mga sakuna, mahalaga ang tamang impormasyon upang malaman kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot ng bagyo. Kasama sa impormasyon na kinukuha ng DSWD ang bilang ng mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng bagyo, kung ilan ang mga lumisan sa mga evacuation center, kung ilan ang mga bahay na nagtamo ng pinsala, at kung ano na ang tulong na naibahagi ng mga Local Government Units.
Upang makuha ang kritikal na impormasyon na ito, nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na opisyal, katulad ng mga opisyal sa barangay, ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO), ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) at iba pa.
Sa ngayon, kasabay sa data-gathering, patuloy din ang isinasagawang relief operations ng DSWD para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH
📸 DRMD Field Staff







