Namahagi ng Family Food Packs (FFPs) ang DSWD Eastern Visayas sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette sa Matalom, Leyte. Katuwang ang Local Government Unit, nakapamahagi ang DSWD ng 941 na FFPs sa isinagawang initial na distribusyon.

Sa kabuuan, nakapag-release na ang DSWD ng 60,838 na FFPs sa buong rehiyon. Kasama dito ang 19 na LGUs sa Southern Leyte at iba pang mga munisipiyo na nagtamo ng pinsala dulot ng bagyong Odette. Nagpapatuloy naman ang DSWD sa pamamahagi ng tulong.

#DSWDMayMalasakit

Photo credits : DRMD