“Nagpapasalamat ako dahil dumating dito sa amin ang mga relief goods. Malaking bagay talaga ito sa amin na mga nasalanta ng bagyong Odette.” Ito ang pahayag ni Nanay Rosita, isa sa mga nakatanggap ng Family Food Packs mula sa DSWD Eastern Visayas.

Nagsagawa kamakailan ang DSWD ng distribusyon ng FFPs sa Bato, Leyte, kung saan nakapamahagi ng halos 500 na FFPs sa initial na distribusyon.

Bahagi ito sa patuloy na isinasagawang relief operations ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala, umabot na sa 64,438 na FFPs na ang nai-release ng DSWD bilang augmentation sa mga apektadong munisipyo sa Eastern Visayas.

📸 DRMD Field Staff

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH