Namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng non-food relief items (NFI) sa 32 na mga pamilyang tuluyang nawalan ng tirahan sa Dulag, Leyte. Kasama dito ang mga nakatira sa dalampasigan na nawalan ng tirahan dahil sa storm surge na dulot ng bagyong Odette.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng hygiene kit, sleeping kit at kitchen kit. Maliban dito, nag-release din ang DSWD ng 1,000 na Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng bagyo sa nasabing munisipyo. Bumuhos din ang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Dulag, at ang iba’t-ibang mga ahensya.

Sa kasalukuyan, ang mga pamilyang ito ay ini-relocate sa isang housing project ng National Housing Authority.

Nagpapatuloy naman ang relief operations ng DSWD Eastern Visayas para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette. Mula noong simula ng relief operations nito noong Disyembre 17 hanggang ngayong Enero 3, nakapag-release na ang ahensya ng 76,338 na FFPs bilang augmentation sa mga munisipiyong naapektuhan ng bagyong Odette.

📸 DSWD DRMD Staff

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH