
Umabot na sa 101,544 na Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng DSWD Eastern Visayas sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette. Kasama sa mga nabahagian ng FFPs ang 19 na Local Government Units sa Southern Leyte, at ilang mga munisipyo sa Leyte at Eastern Samar.
Umabot na sa P57,008,251.63 ang halaga nitong mga FFPs.
Maliban sa mga FFPs, nakapamahagi na rin ang DSWD ng mga Non-Food Items (NFI) na relief goods. Kasama dito ang 3,740 Hygiene Kits, 2,667 Kitchen Sets, 32 Sleeping Kits at 1,500 na kahon ng mga Collapsible Water Container na ipinamahagi sa iba’t-ibang mga munisipyo sa Leyte at Southern Leyte. Patuloy naman ang isinasagawang relief operations ng DSWD.
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH
📸 Kersey Badocdoc