Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 1,000 Family Food Packs (FFPs) sa Matalom, Leyte. Kasama ang Local Government Unit, nakapamahagi ang DSWD ng 724 FFPs sa Brgy. Sta. Fe at 276 sa Brgy. President Garcia. Patuloy naman ang isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette sa Matalom, at sa iba pang bahagi ng Rehiyon VIII.
Sa pinakahuling tala ngayong Enero 17, nakapamahagi na ang ahensya ng 130,513 na FFPs na nagkakahalaga ng P76,274,264.84 at mga Non-Food Relief Items (NFIs) na nagkakahalaga ng P12,035,678.
Para sa pamamahagi ng relief goods sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa lokal na mga opisyal.
📸 CTTO
#DSWDMayMalasakit
#OdettePH







