Umabot na sa P101,015,742.36 ang halaga ng Family Food Packs (FFPs) na ipinamahagi ng DSWD Eastern Visayas sa nagpapatuloy na relief operations nito para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Ayon sa pinakahuling tala ngayong Enero 31, nakapamahagi na ang ahensya ng 173,340 na FFPs sa 30 na mga Local Government Units. Kabilang dito ang 19 na LGUs sa probinsya ng Southern Leyte, 10 sa Leyte at isa sa Eastern Samar.

Binigyang diin naman ni DSWD Regional Director Grace Subong na magpapatuloy ang pamamahagi nitong mga FFPs hanggang makumpleto ng ahensya ang alokasyon nito para sa mga LGUs.

Nagsimula ang relief operations ng DSWD noong Disyembre 17, isang araw matapos mag-landfall ang bagyong Odette, at nagpapatuloy hanggang ngayon. Maliban sa mga FFPs, nakapmahagi na rin ang DSWD ng Non-food Relief Items (NFIs) na nagkakahalaga ng P24,014,810.50.

Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon ng relief items sa inyong lugar.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePh