JUST IN: Binisita ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista ang Baybay City, Leyte upang mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton.Unang binisita nina Sec. Bautista at DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Subong ang Brgy. Bunga, kung saan namahagi ang ahensya ng Family Food Packs (FFPs) para sa 38 na pamilya. Limang pamilya naman ang nakatanggap ng P10,000 each na Burial Assistance.

Binisita din ng DSWD ang Baybay City Senior High School na evacuation center, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang taga-Brgy. Katagnos na nawalan ng bahay dahil sa landslide. Dito, namahagi ang ahensya ng FFPs para sa 46 na pamilya. Siyam na pamilya naman ang nakatanggap ng P10,000 each na cash assistance, habang 37 na pamilya ang nakatanggap ng P5,000 each.

Sa kabuuan, nakapamahagi ang DSWD ng P325,000 financial assistance at P45,864 na halaga ng FFPs sa dalawang barangay.

Nagsagawa din ng inspeksyon si Sec. Bautista sa mga bahay na natabunan ng landslide.

Sa pinakahuling tala, nag-release na ang DSWD ng 2,000 FFPs sa nasabing siyudad bilang inisyal na pagresponde sa bagyo.

#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH

📷 Kersey Badocdoc