Bumisita kamakailan si President Rodrigo Roa Duterte sa Baybay City, Leyte upang kumustahin ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton. Matapos magsagawa ng aerial survey, binisita ng Pangulo ang Baybay City Hospital, at ang evacuation center kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuees. Kasama ang DSWD Secretary Rolando Bautista, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) at mga Non-Food Relief Items (NFIs) mula sa DSWD.

Ayon sa Pangulo, “Natutuwa ang puso ko dahil ang gobyerno nagtatrabaho, dahil nakatulong ako sa inyo.”

Sa kabuuan, nakapag-release na ang DSWD Eastern Visayas ng 25,548 FFPs na nagkakahalaga nang P16,314,583.56. Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang kape at limang energy cereal drink. Kasama naman sa mga ibinahaging NFIs ang mga kitchen kits, hygiene kits at family kits.

Maliban sa relief items, nagbahagi din ng financial assistance ang DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na programa nito. Sa kabuaan, nakapamahagi ang DSWD ng P570,000 AICS sa nasabing siyudad.

Patuloy naman ang isinasagawang disaster relief operations ng DSWD.

#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH