Para sa linggong ito, atin namang tuklasin ang pangalawang modality ng KALAHI-CIDSS.
Ang Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA ay ang pang-kapayapaan at kaunlarang programa ng ating pamahalaan. Ang pagpapatupad nito ay pinangungunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity o OPAPRU.
Sa Ilalim ng KC-PAMANA, ang DSWD ay naghahatid ng angkop at epektibong social services sa mga kwalipikadong komunidad, lalo na sa mga piling katutubong komunidad sa buong bansa.
Katulad ng KALAHI-CIDSS NCDDP-AF, ang KC PAMANA ay gumagamit din Community-Driven Development (CDD) approach.
Para sa karagdagang impormasyon, magpunta lamang sa kalahi.dswd.go.ph