Masayang pagbati sa ating mga Mamanwa IP learners mula Brgy. Pinamudlan, San Francisco, Southern Leyte, para sa kanilang kamakailang Moving Up Ceremony.
Ang mga batang katutubo ay benepisyaryo din ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang 4Ps ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na mga pamilya upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.