TINGNAN: Sari-saring gulay ang nakatanim sa paligid ng Regional Resource Operation Center sa Brgy. Pawing, Palo, Leyte.
Ito ay bahagi ng inilunsad na gulayan noong Mayo 15, 2022 na magsisilbing mapagkukunan ng mga preskong gulay para sa mga mangagagawa ng RROC at mga volunteers tuwing disaster operation. Kalaunan, pwede rin itong maibigay bilang relief goods sa mga pinakaapektadong pamilya ng sakuna.
Sa kasalukuyan nakapagtanim na ng iba’t ibang uri ng gulay tulad ng okra, pipino, talong, pechay, sitaw, kalabasa at ampalaya. Idagdag pa dito and iba’t ibang uri ng prutas gaya ng saging, langka, bayabas at caimito.