Ngayong Disaster Resilience Month, basahin kung paano ang DSWD KALAHI-CIDSS sa pamamagitan ng Community-Driven Development (CDD), ang development strategy na ginagamit ng programa, ay nag ambag sa disaster resilience ng mga pamayanan.
Sa pamamagitan ng CDD, natutukoy ng mga residente ang mga proyekto na makakatulong sa mga problemang kinakaharap nila sa pamayanan.Kabilang sa mga proyektong natukoy ng mga residente ay may kinalaman sa pagbawas sa mga maaaring maging pinsala ng mga paparating pang sakuna.
Sa lugar ng Brgy. Poblacion II sa Sebastian Samar natukoy at nakapagpatupad ang mga residente ng Rehabilitation of Seawall sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS program. Ito ay natapos noong ika-lima ng Mayo taong kasalukuyan.
Saad ni Freddie Amores, residente at community volunteer, “ Nakatulong ang sea wall sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng proteksyon sa mga bahay, gamit, pasilidad at lalong lalo na sa buhay ng mga tao sapagkat sinisiguro nito ang kaligtasan ng mga tao sa anumang sakuna …”
Dagdag ni Freddie na sa pamamagitan ng proyektong sea wall nagkaroon ng kapayapaan ang mga mamamayan dahil hindi na sila nakaramdam ng pagkatakot sa panahong malakas ang alon ng tubig o kaya ay kung mayroong bagyong paparating.