Ang pagboboluntaryo sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS ay walang pinipiling antas ng kalagayan sa buhay. Ang ating mga kababayan na may kapansanan ay binibigyan ng puwang ng programa lalo’t higit sila ay may bukal na pusong tumulong para sa ika-uunlad ng pamayanan.

Katulad ni Emeliano “Milan” Apdos mula sa Brgy. Katipunan, Sta. Fe, Leyte ay maligayang nagiging kabahagi sa pagpapaunlad sa kanilang barangay bilang community volunteer.

Habang nagtatrabaho sa isang pribadong bahay maraming taon na ang nakalilipas, nakuryente ito dahilan na siya ay maputulan ng kanang kamay. Banggit ni Milan, dahil sa pangyayari ay nawalan siya ng gana sa buhay. Hindi na rin ito makatulong sa kanyang pamilya. Ngunit nang mabigyan siya ng oportunidad upang maging community volunteer sa ilalim ng KALAHI-CIDSS, nabigyan siya ng bagong pag-asa na bumangon muli.

“Ang DSWD KALAHI-CIDSS ang nagbigay sa akin ng inspirasyon ngayon. Nag-enjoy ako pag may meetings at sa ngayon may mga natututunan ako kagaya ng pagsagawa ng pagpili ng mga prioridad nga na kailangan ng aming barangay.

Dagdag pa niya na nag enjoy na rin ako dahil ang pag-iisip ko ay lumalawak ang kaniyang impormasyun at marami na rin ang aking nakaka-usap sa barangay.”

Pinapahalagahan ng departamento ang mga kababayan nating may kapansanan dahil sila din ay may kakayahan.

#MagKalahiTayoPilipinas

#thisis8

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD