MGA DAPAT MALAMAN UKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE:

1. Ano ang EDUCATIONAL ASSISTANCE?

Ito ay pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS). Ito ay para sa mga STUDENTS-IN-CRISIS na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.

2. Sino-sino ang pwedeng mag-avail ng educational assistance?

STUDENT-IN-CRISIS- ito ang mga estudyante na kasalukuyang nakararanas ng krisis na maaring kabilang sa mga sumusunod na sector:

• biktima ng kalamidad o sakuna

• biktima ng pang aabuso

• Biktima ng mga paglilikas o krisis dulot ng giyera o kaguluhan

• Anak ng solo parent

• Anak ng mga distressed OVERSEAS FILIPINO WORKERS

• Anak na ang mga magulang ay walang hanapbuhay o pinagkakakitaan

• Anak ng may kapansanan

• May mga magulang na may HIV

3. Ano ang mga REQUIREMENTS na dadalhin?

a. orihinal na kopya at 1 photocopy ng anuman sa baba na nagpapatibay na enrolled ang studyante.

• Certificate of enrolment; or

• Certificate of registration;or

• school ID ng mag-aaral; or

• statement of account mula eskwelahan

b. 2 photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo); or

c. 1 orihinal o 1 photocopy ng valid I.D ng aplikante na hindi menor de edad

4. PAANO ANG PAG-AVAIL NG ASSISTANCE?

a. Mag-uumpisa ang pag-proseso ng educational assistance bukas, Agosto 20,2022 sa ganap na alas 8:00 ng umaga. Ito ay ipagpapatuloy sa sumusunod na mga petsa: August 27, September 3, 10, 17 at 24.

b. Dalhin ang mga kumpletong dokumento at magtungo sa regional office at sub-field offices ng bawat probinsya sa mga sumusunod na address:

• Tacloban at probinsya ng Leyte: DSWD Field Office VIII building, Government Center, Candahug, Leyte

• Biliran: Castin St., Brgy. Santissimo Rosario, Naval, Biliran

• Southern Leyte: Brgy Tagnipa Poblacion, Maasin City

• Samar: Brgy. San Policarpo, Calbayog City, Samar

Brgy. 13, San Francisco St., Catbalogan City, Samar

• Eastern Samar: 2nd Flr., Chinabank Building, Brgy. Balud, Borongan City, Eastern

• Northern Samar: Sitio Macopa, Brgy. Macagtas, Catarman, Northern Samar

c. Dadaan sa assessment ng social worker ng opisina kung dapat na makatanggap ng assistance ang aplikante batay sa nakasaad na criteria.

d. Maaari ring magsumite ng requirements sa email inquiry.fo8@dswd.gov.ph para ma-review ang dokumento at ma-schedule ng DSWD ang iyong pagtanggap ng educational assistance.

______________________________________________________________________

PAALALA: Pina-aalalahanan ang lahat na may karampatang kaparusuhan sa sinumang mapapatunayang lumabag sa mga panuntunan ng Educational Assistance tulad ng pagsumite ng pekeng dokumento o pekeng personalidad o di kaya’y kumuha ng educational assistance ng higit sa nararapat.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD