Halina’t tumuloy sa “Tabo ha DSWD”!
Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-72 na anibersaryo ng DSWD, opisyal na pinasinayaan ang pagbubukas ng “Tabo ha DSWD at Health and Wellness Week”.
Itinatampok sa “Tabo ha DSWD” ang iba’t ibang klase ng produkto sa agrikultura kagaya ng mga food at non-food items ng DSWD Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs), DSWD Centers sa buong rehiyon, at maging mga produkto ng ilan sa mga empleyado ng FO VIII. Ang nasabing aktibidad ay pasisinayaan mula ika-7-9 ng Pebrero, 2023, 9:00am-5:00 pm sa DSWD Candahug Grounds, Candahug, Palo, Leyte.
Sa kabilang dako, ilan sa mga itinatampok sa “Health and Wellness Week” ay ang mga health and wellness booth na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na tumutulong upang mapaunlad ang kalusugang panlahat. Ito rin ay magaganap mula ika-7 at ika-10 ng Pebrero, 2023 sa DSWD Candahug Grounds.