Mayroong mga sari-saring prutas at iba pang produkto sa “Rural Improvement Club (RIC) Camp Downes Home-Based Association” Tabo Booth!
Hindi na kailangan pang dumayo sa siyudad ng Ormoc para matikman ang kanilang tinatangkilik na pinya at iba pang mga prutas at produkto dahil dala ng RIC Camp Downes Home-Based Association ng Ormoc City ang kanilang mga produkto sa “Tabo ha DSWD.” Tampok sa kanilang booth ang mga ipinagbibiling prutas kagaya ng pinya, mangga, langka, at iba pa.
Mayroon din silang mga panindang black rice coffee, black rice tea, salabat, 5-in-1 organic coffee, turmeric powder, traditional massage oil, turmeric lenimint oil, turmeric rub, gulay noodles, at gulay crackers.
Ang mga produktong ito ay gawa mismo ng 38 na miyembro-benepisyaryo ng nasabing grupo.
Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang bukas, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary.
Panabo kita ha DSWD!