Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng monitoring sa mga naka-preposition na Family Food Packs (FFPs) sa Palompon, Leyte. Sa pangunguna ng Disaster Response Management Division, at katuwang ang lokal na pamahalaan, sinigurado ng DSWD ang kalidad ng mga nakaimbak na FFPs.

Matatandaang nagpadala ang DSWD ng 1,500 na FFPs sa nasabing munisipyo bilang prepositioning, o ang pag-iimbak ng mga relief items sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo bago pa man magkaroon ng sakuna. Sa pamamagitan nito, mapapabilis ang pagresponde ng DSWD at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilyang apektado ng bagyo.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal energy drink, at sampung de lata. Sa kabuuan, may nakahandang 58,193 na FFPs ang DSWD FO8.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD