Namahagi ang DSWD Field Office VIII ng 39 na Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng isang vehicular accident sa Salcedo, Eastern Samar. Katuwang ang lokal na pamahalaan, namahagi ang DSWD ng FFPs na nagkakahalaga ng P21,450 sa 13 na pamilya. Bawat pamilya ay nakatanggap ng tatlong FFPs.
Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal energy drink, at sampung de lata.
Maliban dito, namahagi din ang DSWD ng P80,000 na financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na programa. Namahagi ang ahensya ng P10,000 na burial assistance para sa pamilya ng mga nasawi at P5,000 na medical assistance para sa mga nasugatan sa nasabing insidente.
Bahagi ito ng pagresponde ng DSWD sa vehicular accident na naganap noong May 10, kung kailan naiulat na tatlo ang nasawi habang 10 ang sugatan matapos masagasaan ng isang pickup truck.