Nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Tacloban City noong ika-8 at 9 ng Hunyo, 2023.

Dinaluhan ng mga Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDOs) sa probinsya ng Leyte at ng kanilang mga representante ang unang araw ng Consultation Dialogue. Samantala, dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang National Government Agencies (NGAs) at Non-Governmental Organizations (NGOs) ang ikalawang araw ng nasabing konsultasyon.

Sa pagtitipon na ito, tinalakay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga ng Listahanan ang mga mahahalagang paksa tungkol sa Listahanan kabilang ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) nito at ang mga proseso at mga kinakailangang dokumento sa pag bahagi ng mga datos ng Listahanan.

Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan, pampubliko at pribadong ahensya na nagpapatupad ng mga programa at serbisyong panlipunan na gamitin ang Listahanan database upang magsilbing basehan nila sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Consultation Dialogues, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa rehiyon.

Ang Listahanan ay isang proyekto ng DSWD na naglalayong kilalanin at tukuyin kung sinu-sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3