βPara sa mga bata, wala tayong hindi magagawaββ ito ang naging pangunahing mensahe ni DSWD FO VIII- Regional Director Grace Q. Subong sa opisyal na pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng National Childrenβs Month (NCM) 2023 na may temang: βHealthy, nourished, sheltered: Ensuring the Right to Life for All,β ngayong araw, Nob. 6, 2023 sa Robinsons North Tacloban.
Bilang isa sa mga inisyatibo ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children – Eastern Visayas kaugnay sa simultaneous na selebrasyon ng Childrenβs Month sa buong bansa, pinasinayaan ang kick off activity na ito sa pakikipag-ugnayan ng ibaβt ibang government at non-government agencies.
Nakibahagi ang Philippine National Police- Regional Office VIII (PNP RO VIII), Technical Education and Skills Development Authority- Regional Office VIII (TESDA RO VIII), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Information Agency- Regional Office VIII (PIA RO VIII), Department of Justice- Parole and Probation Administration (DOJ-PPA), Tacloban City Social Welfare and Development Office (TCSWDO), Plan International Philippines, Save the Children Philippines, World Vision Philippines, World Hope International, at SOS Childrenβs Village Foundation.
Ilan sa mga naging highlight ng pagdiriwang ay ang diskusyon ng kahalagahan ng NCM celebration, presentation of succeeding activities (Intra Week National Observance), orientation on MAKABATA Helpline, at ang pagpapakitang-gilas ng talento ng mga kabataang nasa ilalim ng pangangalaga ng Miserricordia Childrenβs Center Inc. (MCCI) at SOS Childrenβs Village Tacloban.
Ayon sa pahayag ni RSCWC Regional Coordinator, Francis Genell Berida hinggil sa selebrasyon na ito, tayo ay patuloy na tumatahak sa mahaba pang landas tungo sa paghubog ng isang bansang maunlad para sa mga kabataan. Sa pagbubukas ng isang buwang pagdiriwang para sa kanilang mga karapatan, nawaβy ating pakatandaan ang paglalaan ng commitment upang protektahan at maisulong ang kanilang pangkalahatang-kagalingan.
Ito pa lamang ang simula ng isang buwang pagdiriwang para sa ganap na pagkilala sa karapatan ng mga kabataan sa buong rehiyon otso.